Poem #64

65 1 0
                                    

April 4, 2020

Maskara
by: marinelove05

Kahanga-hanga ang bawat galaw nila,
Sa sigaw ng iba sila'y napapalinga.
Bawat sakit na nadarama ng iba
Sila ang nagsasalba.

Mga bayaning walang pangalan
Nagliligtas sa mga mamamayan.
Di man nakikita ang kanyang kagandahan,
Patuloy pa din sa paglilingkod sa bayan.

Ang mga kamay na kanyang ginagamit sa pag-alalay,
Kamay na ginagamit sa pagsagip ng buhay.
Ngunit iba ang kanyang tunay na pinagdaraanan,
Sa likod ng maskarang suot ay ang taong may dinaramdam.

Pag-alis ng maskara'y makikita,
Mga luhang mula sa kanyang mata.
Nailigtas nila ang iba,
Ngunit malayo sa sariling pamilya.

Matapos ang pag-iyak
Titindig at muling aangat.
Isusuot ang maskara,
Ililigtas na muli ang iba.

Ang mga bayaning walang pangalan,
Aakalaing sina superman at wonder woman.
Ngunit sa pagkakataong ito ang mga doktor kasama ang ibang tao
Ang bayaning gumagamit ng maskara at walang pangalan.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon