Poem #41

81 2 0
                                    

September 5, 2017

Mahal na nga ba kita
by: marinelove05

Mahal na nga ba kita?
Ang tanong ng puso't isip ko
Di sigurado kung ika'y gusto
Ako'y gulong gulo.

Ayaw kang mawala
Dahil tutulo ang luha.
Sakit na naramdaman nung ika'y lumisan,
Di ko alam ang dahilan.

Pilit na itinatanggi
Sa tuwing puso'y nahuhuli
Mahal na nga ba kita,
Mahal kong talaga.

Natatakot na ako'y iyong iwan
Sapagakat natatakot na ako'y masaktan
Alam kong balang araw ika'y lilisan
Dahil sa sakit na dinaramdam

Ika'y aking pinapahalagahan
Sana'y iyong naramdaman
Mahal na nga ba kita?
Sana'y Malaman ko ang sagot sa katanungan bago mo ko tuluyang iwan.

Mahal na nga ba kita?
Mahal na nga ba?
Mahal na nga
Mahal na.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon