Poem #58

77 1 0
                                    

January 19, 2020

Punit na Pahina
by: marinelove05

Sa kalumaa'y nagbagong bigla, aklat at pahina.
Napunit at nasira ang dating magandang simula.
Nalubog sa kalungkutan ang mambabasang kaibigan.
Napunit ang pahinang dating kanyang sinusulatan.

Sa aklat siya ay naaalala ng karamihan
T'wing natititigan ang namumutawi'y kalungkutan.
Punit na pahina ay di na maaaring balikan
Natapos na ang kwento, wala na ang syang kaibigan.

Ang libro'y nagtatapos na dito, ito na ang huli
Tapos na ang buhay at hindi na muli maikukubli.
Kaibigan, nawa ay nasisiyahan ka na riyan.
Isasara na ang libro, salamat sa iyo, buhay ko.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon