Poem #42

78 1 0
                                    

December 22, 2019

Leon
by: marinelove05

Nakilala kita sa di inaasahang pagkakataon
Dahil sayo'y nabuo ang taon
Nag-uusap hanggang hating gabi
Saking labi'y sumisilay ang ngiti.

Lumipas ang panahon
Di namalayang nahulog na
Ang pusong dati'y akala ko'y wala na
Wala ng pag-asang magmahal pa

Nahulog sayo'ng patibong
Nahulog ako ngunit iba ang iyong sinalo
Yun nga pala ang mas mahal mo
Kabigan nga lang pala ang saki'y tingin mo

Ninais kong ipabatid sa iyo ito
Nang malaman mo'y "pasensya"
Yan ang tanging nasambit mo
Ang puso ko ngayon at lungkot ang nadama imbes na ligaya

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon