Poem #77

91 1 0
                                    

September 25, 2020

Haplos
by: marinelove05

Sa bawat dampi ng 'yong mga kamay,
Dama ang init ng pagmamahal.
Araw-araw, haplos mo ang tanging nagbibigay buhay,
Lalo sa araw na ako'y tila walang malay.

Sa haplos mo ako'y sumisigla
Ngiti ang kanyang dala.
Hanggang sa isang umaga,
Wala na siya.

Hindi na madama, hindi na makita.
Tapos na.
Nawala na ang pandama,
Hindi na muling naulit pa.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon