Poem #48

79 2 0
                                    

July 19, 2019

Balang araw
by: marinelove05 & JustIn27

Balang araw na pilit kong dinudungaw
At sa kasabikan ay uhaw na uhaw
Pagsisikap ay pinipilit na mangibabaw
Upang makamit ang itinakdang balang araw

Balang araw pangarap ay makakamtan
Sa mundo na puno ng kaguluhan
Bawat hakbang ay ating sundan
At pagdating ng araw tayo'y maliliwanagan

Malakas na bagyo ay aking haharapin
Naglalakihang mga alon ay handang suungin
Hinding-hindi susuko, hinding-hindi bibitaw
Makamit lamang ang inaasam na balang araw

Madapa ma'y patuloy na babangon
Malunod ma'y ako'y aahon
Sasabay sa alon at tatalon
Upang sa balang araw ay matuon ang atensiyon

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon