Poem #70

74 2 0
                                    

August 4,2019

Umasa tapos iniwan
(Inspired by: UTI by rocksteddy)
by: marinelove05

Mga tula at kanta mong sakin inialay
Mga tsokolate at bulalak saki'y binigay
Paglabas sa eskwelahan ika'y nabantay
Kasama ang tropa mong nag-iingay.

Paglabas nating dalwa'y ngiti ang dulot
Mga aral na sa isa't isa'y napulot
Mga kwentong walang katapusan
Dulot sati'y kasiyahan.

Kinabukasan lumabas muli ng eskwelahan
Wala ng nakaabang na kalalakihan
Mga tropa mo'y ako'y iniiwasan
Ikaw daw ay lumisan

Umasa tapos iniwan
Iniwan ng di alam ang dahilan
Nagmahal ngunit sinaktan
Ang puso sayo ngayo'y luhaan.

Hanggang ngayon ay naghihintay sayo
Kahit ang pagbabalik mo'y malabo
Nais kang makapiling muli ng puso
Maghihintay hanggang sa dulo ng mundo.

Puso ko'y di susuko
Maghihintay sayo
Pagbalik mo'y mabubuo
Ang buhay ko't puso.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon