Poem #74

88 1 0
                                    

Hanggang sa Huli (Spoken Poetry)
by: marinelove05

Sa bawat hakbang ng mga paa papalapit sa iyo

Puso'y tila naghihingalo.

Isa, dalawa, at tatlo ninais kong tumakbo kasalungat ng Ikot ng mundo

Tumakbo at balikan ang nakaraan, nakaraang di malimutan.

Apat at lima ang lapit ko sa iyo pero parang ang layo layo mo.

Magulo? Oo magulo at nakalilito kung ano nga bang nangyari sa'ting kuwento.

Anim, akala ko'y ikaw at ako hanggang sa dulo

Pito, natigil ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang ngiti mo.

Walo, napaisip ako sa lahat ng kuwento, alin doon ang totoo?

Siyam, isang hakbang na lang at abot kamay na kita.

Nais kong isigaw laman ng puso ko sinta.

Mahal kita.

Mahal kita.

Sampu, ang laki ng iyong ngiti.

"Salamat." sambit mo at ako'y ngumisi.

Huli na ang lahat, ako sayo'y di nararapat.

"Maging masaya ka sana mahal ko." Ikaw pa rin ang sigaw ng puso, hanggang sa huli.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon