Poem #25

133 4 0
                                    

October 24, 2019

Naubusan
by: marinelove05

Pag-ibig ay walang katapusan
Sa kaibigan man o kasintahan
Mahirap ang maubusan
Nawawalan ng patutunguhan

Ibigay mo man ang lahat
Di pa rin sumasapat
Sumobra man ang pagbigay
Ikaw naman ay malulumbay

Mabubuhay na mapagbigay
Isa isa naman silang mawawalay
Sila'y tila namamatay
Pag ika'y nawawalan ng kulay

Sa tuwing napapaisip
Nananalangin na ito'y panaginip
Naubos na ang sakin
Nawala na ang pag-ibig nila sakin

Naubos ang para sa sarili
Lahat ay nawalan ng silbi
Nawala ang kasama
Naubusan na.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon