Poem #29

124 2 0
                                    

October 28, 2019

Hanggang tingin nalang ako
by: marinelove05

Mula noong nakilala ka
Nahulog na ako sayong mga mata
Habang tumatagal
Lalong lumalalim ang pagmamahal

Sa araw araw na nakikita ka
Puso ko'y tila nagwawala pa
Ngunit hindi mo batid
Pag-ibig ko sayo'y hatid

Hanggang tingin nalang ako
Sa bawat araw na nagkakasama tayo
Sa tuwing malayo ang lugar mo
Nakatitig sa iyo

Hanggang tingin nalang sayo
Di ko man lang masabi ang nadarama ko
Hanggang tingin nalang sayo
Habang buhay na maghihintay ako

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon