Poem #12

245 3 0
                                    

July 21, 2019

Ako ay ako
by: marinelove05

Ako ay ako
Walang makababago nito
Ako ay ako
Kilala ko ang sarili ko

Ako ay makakasama niyo
Pero ilan lang ang makikilala ako
Sa paglipas ng taon ako'y binago
Ng mundong puno ng manloloko

Mga taong iniwan ako
Mga problemang hinarap ko
Mga kayo na hindi nagpakatotoo
Ang humubog sa taong nakahaharap niyo.

Ako ang nakakikilala sa ako
Kaya ang panghuhusga niyo ay hindi ako matatalo
Sa dami ng pinagdaanan ko,
Ako lang ang ako.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon