Poem #62

71 2 0
                                    

April 3, 2020

Tuldok
by: marinelove05

Tapos na ang lahat,
Lilinisin na ang sugat.
Ang mga kabanata'y tutuldukan
Dahil wala na ang pagmamahalan.

Mga kabanatang ikaw ang nilalaman
Mga kabanatang sayo nakalaan.
Ngunit ang lahat ng ito'y una mong tinuldukan.
Ang nais ko ngayon ay malaman ang dahilan.

Tuldok ang iyong isinulat
Wala na nga akong nagawa,
Hinayaan nalang ang tadhana.
Hanggang dito nalang ang lahat.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon