Poem #20

166 4 0
                                    

July 21, 2019

Kaibigan
by: marinelove05

Kaibigan ikaw ang kasama sa kasiyahan
Kasama sa kalungkutan at kalokohan
Ikaw at ako mula noon pa man
Nangakong walang iwanan

Ilang taon pa ang nakalipas
Ikaw at ako'y pinaalpas
Malayang naglakbay
Magkasama sa buhay

Dumaang mga problema
Hindi natin ininda
Sapagkat tayong dalwa'y magkasama
Mula pagkabata hanggang pagtanda

Ngunit isang araw aking nalaman
Ako pala'y sinisiraan
Akala ko'y ikaw ang kakampi
Yun pala'y isang kalaban.

Lahat ng ating pinagsamahan
Tinapon ng biglaan
Dahil sa bagong kaibigan
Ang ating pagkakaibigan ay nalimutan.

Kaibigan ano ba ang iyong dahilan?
Bakit kailangang ako'y siraan
Sa harap ng mga kasama sa paaralan
Kaibigan nga ba ako sayo o isang laruan?

Ngayong ako'y pinagtaksilan
Lumayo na ng tuluyan
Ang dating kaibigan na nagsilbing kalakasan
Ang dating kaibigan ngayon ang siyang kahinaan.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon