Poem #63

67 2 0
                                    

April 3, 2020

Panyo
by: marinelove05

Pinupunasan ang bawat luhang pumapatak,
Mga tubig na dulot ng pighati o galak.
Nakaalalay sa lahat ng pagkakataon
Laging kasama sa ano mang panahon.

Sa gitna ng ulan iyong naging pandong.
Panyong di mo aakalaing naroon.
Sa bawat patak, panyo ang pumawi sa iyak
Ngunit tapos na ang palabas.

Ang panyong nakasama sa lahat ng panahon,
Iniwang nag-iisa doon.
Nakatagpo ng bagong panyong kay ganda,
Nakalimutan na ang panyong laging kasama.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon