Poem #14

204 3 0
                                    

July 7, 2019

Pagpigil
by: marinelove05

Pagpigil sa pusong mahal ka ay hindi madali.
Sa paglipas ng panahon lalong nahuhulog sa iyong patibong.
Ako'y iyong kaibigan, musika ang dahilan.
Ngayong alam mo na, kahit iwasan ako'y maiintindihan.

Ngayo'y naiilang, puso'y di malinlang
Sa dalawang buwan na nagdaan
Lalong lumalalim ang nararamdaman
Nais kang mahagkan ngunit ako'y nahihirapan.

Isip ay nais kang iwasan
Puso'y ikaw pa din ang laman
Ngunit ako'y patuloy lang na masasaktan
Kaya nais ko ng pigilan ang kabaliwan.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon