Poem #23

146 4 0
                                    

October 24, 2019

Mensahe
by: marinelove05

Sa bawat mensahe ko
Inaabangan ang sagot mo
Ilang beses ng nagpadala
Ngunit ako'y di madaladala

Araw araw na mensahe
Tinatanong kung kumusta ang byahe
Byahe ng buhay mong wala ako
At iba ang kasama mo

Nagpapadala ng mensahe
Kahit pa wala kang pake
Nais ko lang malaman mo
Ang nadarama ko

Ngunit tila ako'y abala sa'yo,
Kahit pa puso'y nananabik
Pipiliin na lamang manahimik
Upang di malayo ang pusong sa'yo

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon