Poem #15

193 5 0
                                    

July 20, 2019

Tayo
by: marinelove05

Ikaw at ako pagpinagsama'y tayo
Ikaw at ako kalaban ang mundo
Magkasamang lumalaban
Sa mundong tila tayo'y pinahihirapan

Sa araw araw na nahihirapan,
Ang tayo'y pinaglalaban
"Walang bibitaw" katagang sakin ay inalay.
Puso'y sayo lamang ibibigay.

Pagsapit ng araw ay may sayang walang kapantay
Dahil problema satin ay napatay
Ngunit akala ko ay naayos ang tayo
Yun pala'y sinamahan mo lang ako.

Ika'y naglaho sa tabi ko
Akala ko'y mahahabol ko
Ngunit tila ako'y hinihila ng mundo
Pabalik sa mundong walang tayo.

Walang tayo, yun nga pala ang totoo
Pinaniwala mo lang ako na ang tayo'y totoo
Akala ko'y ang katagang "walang bibitaw" ay pangmatagalan
Ngunit ito pala'y isa sa iyong kasinunglingan.

Ngayong tapos na ang tayo
Puso'y pipilitin kong mabago.
Hahayaang puso'y magsaya
Upang ang tayo'y makalimutan na.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon