Poem #66

73 2 0
                                    

April 16, 2020

Bawat Pahina
by: marinelove05

Sa bawat libro nababasa
Bawat pahina'y naaalala.
Mga letra at salita ng isa't isa,
Tumatatak sa puso ng nagbabasa.

Ngunit iba ang aklat na nakita,
Itsura nito'y di kay ganda,
Di kaaya-aya.
Wala na ang bakas ng manunulat niya.

'Di binalak na basahin
Ngunit puso'y nagtutulak na alamin
Mga laman ng aklat na mula sa dilim.
Unang pahina'y iba ang nilalaman.

'Di ko malaman kung sino ang may akda
Binasa ang ikalawang pahina,
Biglang tumulo ang mga luha.
Kay lungkot ng nilalaman ng bawat pahina.

Bakas sa bawat pahina ang hirap
Bakas ang ligaya at nais na matanggap na paglingap.
Sa huling limang pahina,
Mga huling habilin ng may akda.

"Huwag kang susuko,
Patuloy na lumaban.
Harapin ang mundong puno ng kahirapan
Kinabukasan lahat ng 'yan ay malalagpasan."

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon