Poem #7

369 6 0
                                    

October 22, 2019

Kahati
by: marinelove05

Mahal, may kahati ako
Sa atensyon at oras mo.
Ngunit mukhang siya ang mas gusto mo
At binabalewala nalang ako.

Ayoko ng may kahati
Di nabubusog at di napapalitan ang pighati
Sapat na sana ang 'yong ngiti
Kasabay ang pagbati

Nahati na naman ang atensyon
Sa kanya ka nakatuon
Katabi mo man ako ngayon
Siya pa din ang hinahanap taon taon.

Mahal mahirap ang may kahati
Di nakakabusog ng puso't tiyan
Mahirap ang may kahati
Natutuon sa iba ang buhay mo't atensyon.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon