Poem #10

277 3 0
                                    

August 9, 2019

MINAHAL KITA
by: marinelove05

Mahal, kamusta ka na?
wala na kong balita sa'yo mula noong tayo'y nasira
Iniwan kita dahil di ko na kaya
mga sakit na dulot ng pag-ibig ko sayo sinta.

Nanatili sa iying tabi
kahit na mata'y lumuluha sa gabi.
Aking sinta ako'y napagod na
puso ko'y nahirapan na.

Habang tumatagal lalong sumasakit
sa tuwing mata'y napapapikit
Ang luhang di mapigilan ay pumupuslit
at tutulo ng puno ng hinanakit

Labis kitang pinahalagahan
di ko namalayang ako'y nasasaktan
labis na pagmamahal
na akala ko'y magtatagal.

Kinakalimutan ko na ang nakaraa
na iyong nakalimutan
Iniwan ang kasiyahan at kalungkutan
na ating pinagsamahan

Tama na ang pasakit
sa pusong puno na ng pait
Akin ng tinutuldukan
ating pag-iibigan.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon