Poem #47

74 2 0
                                    

December 24, 2019

Nakakapagod kang mahalin
by: marinelove05

Sawa na 'kong umasa
Sa'yong mga salita na laro sa kasama
Mga banat na nagpapasaya
Sawa na 'kong marinig la sila

Nakakapagod kang mahalin sinta
Ayoko na sa mga alaala
Alaalang pinagsamahan nating dal'wa
Mga alaalang sa'yo pala'y walang kwenta

Ayoko na. Tama na.
Nakakatanga na sinta
Pagod na 'kong lumuha pa
Pagod na 'kong makita kang masaya sa iba

Tama na.

Pero...
Kahit nakakapagod kang mahalin
Ikaw pa din.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon