Poem #59

72 2 0
                                    

July 20, 2019

Lihim
by: marinelove05 & JustIn27

Unang araw sa paaralan
Mga mata mo ang unang nasilayan
Ika'y aking nilapitan
Tinanong ang yong ngalan

Paglipas ng araw tayo'y nagkamabutihan
Sa araw-araw tayo'y nagkakasiyahan Magkaibigan ang turingan
Ngunit sa hindi inaasahan puso'y natamaan

Pagdating sa bahay, agad na didiretso sa higaan
Hahawakan ang telopono't messenger ay bubuksan
Kapag sa active list ika'y natagpuan
Agad kang ime-message ng walang pag-aalinlangan

Ngayon ay nais kong malaman mo
Ang nilalaman ng puso ko
Ngunit isang araw ika'y nakita ko
Kasama ang babaeng pinapangarap mo

Mundo ko'y biglang gumuho
Lakas ng loob ko'y bigla na lamang naglaho
Nagmadaling pumunta sa upuan at tumungo
Upang maikubli ang luhang di mapigil sa pagtulo

Naalala ang lahat ng ating pinagsamahan Saya at lungkot na ating pinagdaanan Ngayon ay lungkot nalang ang nararamdaman
Ng pusong sayo'y inilaan

Hindi pa rin mapigil ang pag-luha
Sakit at kirot, labis na nadarama
Ang lihim na sa iyo'y matagal kong kinimkim Mananatili na lang nakalutang sa hangin

Ako'y umangat sa pagkakatungo
Kahit sa aki'y bakas pa ang pagkabigo Ngunit puso ko'y biglang naging maligaya Dahil ang lahat ay panaginip lang pala

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon