Poem #43

74 1 0
                                    

December 22, 2019

Gusto pa rin kita
by: marinelove05

Gusto pa rin kita
Kahit na ang mundo ay mag-iba
Gusto pa rin kita
Kahit mahal mo'y iba

Ganun nga ba talaga ako katanga?
Alam kong siya ang nais mong makasama
Ngunit ako'y umaasa na baka sakaling ako na
Panakip butas man ay ayos na

Gusto pa rin kita
Kahit ang puso ko'y nadurog na
Gusto pa rin kita
Kahit wala ng kwenta ang salitang gusto kita

Magpapakatanga dahil mahal kita
Magpapakatanga kahit ayaw nila
Magpapakatanga para sa'yo sinta
Dahil... Gusto pa rin kita

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon