Poem #22

146 4 0
                                    

September 23, 2019

Laro
by: marinelove05

Isa, dalawa, takbo
Tuloy sa paghabol sa iyo
Ang ikot ng mundo
Sasabayan ko.

Tagu-taguan sa ilalim ng buwan
Sa dilim maghahanapan
Kahit na alam na ika'y lumisan
Patuloy kang susundan

Sa bawat tago at takbo
Natagpuan ko'y pagbabago mo
Kita ko sa'yong mata ang pag-aalala
Na baka ang laro may matapos na

Ikaw pala'y may kalarong iba
Na sa aki'y tinago mo noon pa
Ngayo'y tatapusin na ang laro nating dalwa
Sa pagtatapos nito, paalam na kasama

Paalam sinta
Nakita na kita
Ang laro'y nagtatapos na
Sa pagitan nating dalwa

Paalam sinta
Tinatapos ko na
Ang laro na sinimulan
Na nagdulot ng kalungkutan

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon