Poem #72

81 2 0
                                    

June 21, 2020

Haligi
by: marinelove05

Haligi'y kay tatag at hindi matibag,
Haliging di mabubuwag.
Sa araw-araw na gigising at mumulat
Araw-araw silang nagpapasalamat.

Sa pagtayong muli at ang araw ay sumikat,
Panibagong buhay ang haharaping dapat.
Lalakad muli at sa pagsapit ng hapo'y uuwi,
Sa pagharap sa iba'y ngingiti.

Sa araw-araw na lilipas,
Tandaang pagmamahal sayo'y walang kupas,
Buhok mo ma'y malagas
Ikaw ay mamahaling wagas.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon