Poem #4

588 7 0
                                    

October 20,2019

Pinagtagpo pero 'di itinadhana
(Part 1)
by: marinelove05

Nagtagpo ang mga mata
Pinaglayo ng mga paa.
Puso'y hinanap hanap ka
Natagpuang nag-iisa

Ikaw na nga pala.
Puso'y binigyang sigla
Buhay ko'y nag-iba
Sabi ko'y ikaw na

Dumating ang araw
Ibang tao'y lumitaw
Sa kanya mo natagpuan
Ang pag-ibig na iyong inaasam

Sa di malamang dahilan
Ako'y iniwasan.
Nagtatanong ang isipan
Bakit? Ako ba'y ka iwan iwan?

Pinagtagpo ngunit di itinadhana
Sana'y di na lamang nagkita
Sana'y di na nagkrus mga mata
Upang wala ng sakit na madama

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon