Poem #65

68 2 0
                                    

April 3, 2020

Tubig
by: marinelove05

Sa iyong ngalan ay napapalundag pusong nagagalak.
Mga larawan mo na iniingatan ay muling natagpuan.
Sa tuwing nakikita ang lahat,
Nagbabalik ang mga sugat.

Ang galak ay napalitan ng pait,
Muntik ng mawalan ng bait.
Ngayong ang iyong ngalan ay nakikita
Ang tubig na mula sa mata ay nagtulo na.

Ang tubig na nais ng maubos
Sa araw-araw na pag-iyak ng lubos.
Ang tubig na di man lang napapagod sa agos
Na animo'y talong dumadausdos.

Sa ngalan mo pa lamang ay apektado,
Napapatakbo ang pusong kabado.
At nasilayang muli ang ikaw na wala ang ako
Ang tubig ay nagkakagulo.

Ito na ang huling tubig na para sa'yo.
Ang huling tubig na magmumula sa mata ko.
Tatanggapin na ang naganap sa ating mundo.
Ito na ang huling tubig na para sa'yo.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon