Poem #78

102 2 0
                                    

October 2,2020

Ika'y nabibilang
by: marinelove05

Ika'y nabibilang kulang man ang parte ng katawan.
Ika'y nabibilang iba man ang pinanggalingan.
Ika'y nabibilang iba man ang kinalakhan.
Ika'y nabibilang iba man ang kasarian.

Ika'y nabibilang sa mundong ginagalawan,
Sabihin man ng iba'y wala kang karapatan.
Sadyang namumuhay ka lang sa mapanghusgang lipunan.
Ika'y nabibilang sapagka't ika'y tao rin naman.

Ika'y nabibilang kahit sa tingin mo'y wala silang pakialam.
Ika'y nabibilang dahil nilikha ka ng Diyos na mapagmahal.
Ika'y nabibilang kahit di sigurado sa pagkakakilanlan.
Ika'y nabibilang.

Huwang mo ng intindihin mga taong sa kwento mo'y walang alam.
Huwag mo ng ipaliwanag sapagka't sarado ang kanilang isipan.
Isipin mo na lang ang 'yong kapakanan at laging tandaan,
Ika'y nabibilang.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon