Poem #9

315 7 0
                                    

October 24, 2019

M.U
by: marinelove05

Magulong usapan
Mabuting pagkakaintindihan
Maling ugnayan.
Ang namagitan sa ating pagsasamahan

Di nagtagal ay nagkatuluyan
Pagmamahal ang namagitan
Iba't ibang bagay ang natuklasan
Lalong lumalim ang kagustuhan

Ngunit nagbago na ang lahat
Pag-ibig ko pala'y di sapat
Nagiba ang landas
Pag-iibiga'y nagwakas

Nakatagpo ng iba
Ngunit nagbalik ka
Sinabing ako'y mahal mo pa
Ngunit mas mahal ko na siya

Kahit ano pang gawin
Siya na ang aking pipiliin
Tapos na ang namagitan sa atin
Tapos na ang maling ugnayan natin.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon