Poem #37

94 2 0
                                    

November 10,2019

Lalaban
by: marinelove05

Sa lahat ng pagkakataon
Sa lahat ng panahon
Sa bawat oras na lilipas
Sa bawat buwan na kukupas

Lalaban ako
Lalaban kahit pinalalayo mo
Lalaban kahit pinutol mo na ang tali ko
Lalaban kahit pinili mo ang kaibigan ko

Mahal kahit anong mangyari
Kahit mawala man sa sarili
Mananatili sa yong tabi
Hangang sa huli

Iba man ang nais ng puso mo
Mahal ikaw lang ang laman ng puso ko
Lalaban ako para sa'yo
Ilalaban ko ang pag-ibig ko

Ngunit mahal, hindi panghabang buhay
Ang paghabol ko sa iyo
Hindi na kaya ng puso ko
Sumusuko na ko, ngunit mahal lumaban ako.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon