Poem #69

77 3 0
                                    

May 8, 2020

Ilaw
by: marinelove05

Sa araw araw ikaw ang ilaw
Sa dilim ikaw ang liwanag.
Sa aking paghakbang
Ikaw ay nakaabang.

Bawat salitang aking binabanggit
Ngiti ang sa'yo kapalit.
Nang pinasok ko ang bagong mundo
Ikaw ang naging guro ko.

Sa bawat pag-angat
Ikaw ay kabalikat.
Natapos ang paghihirap
Bagong mundo aking hinaharap.

Ilaw ay nanghihina
Ayokong mawala.
Ilaw hanggang sa pagtanda
Ikaw ilaw ina.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon