Poem #40

86 1 0
                                    

November 23, 2019

Kaparangan
by: marinelove05

Nagtatakbuhan
Naghahabulan
Nagkakasiyahan
Napatahimik ng biglaan

Naalala ko ang nakaraan
Lahat ng pinagdaanan
Kagalakan at kalungkutan
Binalikan ang kaparangan

Sa kaparangan natin natagpuan
Ang ating kagandahan
Mga pinagdaanan na ating nalagpasan
Nagpatibay sa samahan

Sa kaparangan
Naglaho ang lahat
Sa kaparangan
Na akala ko doon matatagpuan

Ako'y aalis na
Nang biglang nagbalik ka
Mahal kumusta na?
Tara na at umuwi ka

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon