Poem #19

167 4 0
                                    

July 22, 2019

Payong
by: marinelove05

Sa lakas ng ulan ikaw ang pandong
Maging sa init ng araw sa iyo sumisilong
Ikaw ang kasama sa mga ito
Mula noon hanggang dulo

Sa ulan ikaw ang kasama ko
Ilang bagyo na din ang natalo
Sinusuong ang mga ito
Kahit na mahirap ay nananalo tayo

Ngunit dumating ang pinakamalakas na bagyo
Ako'y iniwan mo sa gitna ng gulo
Ang payong ko'y gumuho
Sabay sa luhang tumutulo

Nagdilim ang paligid
Ang luha'y nangingilid
Ang puso'y tumagilid
Nadala sa himpapawid

Pag mulat ng mata sumikat ang araw
At wala na talaga ang ikaw
Ngunit nakita ang langit na bughaw
Nasilayan ang bahag hari na lumilitaw

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon