Poem #11

250 3 0
                                    

July 21, 2019

Kapatid
by: marinelove05

Ikatlong baitang ng magkakilala tayo
Ikaw ay kasama ng ibang tao
Sayo noon ako ay asar talo
Bawat salita mo'y nanunukso

Ika-apat na baitang nang sulatan mo ang kwaderno ko
Gamit ang pulang panulat tinapos mo ang ngalan ko
Mula noon tayo'y nagkasundo
Nalipat pa ang pwesto mo

Makalipas ang ilang buwan
Nabuo ang pagkakaibigan
Laging ang pila'y sa hulian
Kahit na ako'y di katangkaran

"Kuya" katangan binitiwan ko kahit di tayo magkadugo
Ang mga salitang iyon ay para sa magkapareho
Ngunit hindi naging hadlang ang mga ito
Dahil ikaw ay naging kapatid ko

Nagtagal ng maraming taon
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw ang kapatid kong nakatuon sakin ang atensiyon
Kahit na magkalayo tayo ngayon.

Nais kong malaman mo
Ikaw pa din ang kapatid ko
At hindi ito magbabago
Kahit pa magkalayo tayo.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon