Poem #30

121 2 0
                                    

October 29, 2019

Salita
by: marinelove05

Sa bawat salita
Nabibighani ang madla
Napapatulala
Napapatigil sa ginagawa

Salita na sayo ay nagmumula
Dahilan ng pagwawala
Ng pusong nakakulong
Sa nakaraan na bumubulong

Nakaraan na di malimutan
Sa akin ay nagbibigay dahilan
Upang di paniwalaan
Ang salitang iyong binitawan

Salitang tulad ng sa iba
Na laging sambit ay walang iwanan
Nais kong iyong malaman
Mahirap ang magtiwala sa isang salita

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon