Poem #36

100 1 0
                                    

November 10, 2019

Uwi na tayo
by: marinelove05

Kaibigan uwi na tayo.
Ayoko na sa lugar na ito
Maingay at magulo
Madumi at puro demonyo

Uwi na tayo
Sa totoong mundo
Ngunit sira na nga pala ito
Sinira ng mga tao

Kaibigan mahirap ng huminga
Hangin ay nauubos na
Umuwi na tayo
Sa lugar na tahimik pa ang mundo

Gusto ko na lang umikot
Bumalik at magpulot
Ng kalat na nakatambak
Na ngayon ay lambak

Uwi na tayo
Sa lugar na madaming puno
Halaman at tubig
Uwi na tayo kung saan namumutawi ang pag-ibig

Uwi na tayo.

Tula KunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon