Chapter 1

1K 30 0
                                    


Meet Ms. Engot

Collyne Keigh POV

Pagkatapos nung inasikaso ko, dumeretyo agad kami ni Jes sa school. And Oh My God, late na pala si Jes sa unang subject niya. 12 am kasi start ng class niya while me mamayang 1 pm pa.

" Huy Jes sorry late ka na naman ng dahil sa akin," nagpapacute kong sabi sa kanya habang naglalakad kami papasok sa school.

Hindi niya ako pinansin, ang harsh talaga sa akin ng babaeng ito.

" Tssk bakit nga ba kita sinamahan eh." napapailing niyang sabi.

Napasimangot ako.

" Peace na tayo please!" Pa cute ko paring sabi. Tinignan niya ako sabay irap.

" May magagawa pa ba ako?" Bored niyang sabi.

Napangiti ako, hindi talaga ako matatangihan nito kahit siguro asar na asar na siya sakin.

" Yehey, sige pasok ka na sa first class mo" nakangiting sabi ko sa kanya.

" Tsk engot ka nga talaga ako pa sinabihan mo niyan eh mag wa - one pm na!" Singhal niya sa akin.

Sinulyapan ko yung wrist watch ko, like O to the M to the G. 5 minutes nalang before my first class . Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Jes.

" Waaahhh, alis na ako. Jes Bye!" Nagmamadaling sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita, tumakbo na agad ako. Nagmamadali akong nagtungo sa elevator ng CMA. Pagkarating ko doon maraming mga estudyante na katulad ko na malapit narin ma late.

Huhuhu ayaw kong malate, terror pa naman first period teacher ko. Sumakay na agad ako sa elevator pero ang malas lang kasi full na kaya ayaw umangat.

" Huy miss bumaba ka! Ikaw ang huling pumasok eh." sabi sa akin ng isang lalake.

Wala sa sarili kong itinuro ang sarili ko.

" Ako?" I confusedly asked.

" Ay hindi miss . Siya!" Pilosopong sagot niya.

What? Hindi kaya ako ang huling pumasok!

"Mister hindi naman ako yung huling pumasok ah , kundi siya." turo ko sa lalakeng nasa tabi niya. Tumalim ang tingin niya sa akin.

" Kasama ko siya miss kaya pwede ba bumaba ka na lang." Naiinis niyang sabi.

Napasimangot ako at umalis nalang sa elevator. Ang sama nung lalakeng yun. Umangat na yung elevator pero bago nagsara ang pintuan nagsalita yung lalake

" Bababa ka rin pala eh," he said. Why so rude? He's so rude.

Tinignan ko yung wrist watch ko its already 1: 10 pm. Nakakaiyak naman. Think positive Keigh. Huminga ako ng malalim at dumeretyo sa hagdanan.

No choice ako eh.

Nagsimula na akong tumakbo paitaas. Para na akong si flash sa bilis. 1:16 pm na nung nakarating ako sa tapat ng class room namin.

Im talking business ad. Graduating student.

Kumatok ako sa pintuan ng tatlong beses, napalunok ako nung salubungin ako ni Ms. Salvador ng masamang tingin.

Nasa mid forties na siya pero walang asawa. Tumandang dalaga kaya siguro ganyan hehehe.

" Why are you late Ms. Fuentabella?" Nakakatakot niyang tanong.

Napalunok ako ng saliring laway. " Hehehe may emergency lang po" palusok ko.

Sana gumana. Sana gumana. Sana gumana. Sana...

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon