Chapter 36

437 17 0
                                    

Chasing him

Collyne Keigh POV

Hindi siya pumasok kinabukasan nung araw na iyon so I went to their house pero pinaalis ako ng guard nila. Nagpumilit akong makapasok. I really want to talk to him. I want to explain. Pero di pa rin ako pinapasok. Nanatili ako sa harap ng gate nila sa ilalim ng araw.

Naghintay ako at hindi sumuko. Ilang oras lumipas wala parin. Gabi na pero wala parin siya. Tinawagan ko siya at minesage ng ilang beses pero wala akong text o tawag akong na natanggap mula sa kanya. Napaiyak nalang ako sa sobrang sakit at lungkot.

Madaling araw na nung umalis ako. Umiiyak at pagod na pagod. Sumunod na araw ganun parin walang Kyle na nagpakita pero hindi ako nawalan ng pag asang magkaka ayos kami.

Sa pagkakasiwalat ng sikreto ko anytime pwede akong mamatay. Pero hindi dapat ako pwedeng mamatay not now. Kailangan maayos ko muna tong gulong ito.

Andito ako ngayon sa rooftop. Umiiyak. I missed him already. I really do. Hindi ko alam kung nasaan siya pero alam kong babalik siya. Babalik siya.

Napagpasyahan kong bumaba na at nagbabakasakaling mayroon na siya.

" Why don't you give her a chance to explain?" Narinig kong sabi ng isang tao na nagmumula sa isang room.

Napatigil ako sa paglalakad.

" For what? Para magsinungaling ulit? Para paniwalain ako at pagmukahing tanga?" Sigaw ng isang taong kilalang kilala ko.

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko. It's Him.

" Yan ang mahirap sayo eh. Nagco conclude ka agad. Baka naman may rason siya!" Dex said.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko.

" Damn her reason. Alam na alam niya kung gaano ako kagalit sa Blue Empress na yun!" He angrily said.

Napakapit ako sa railing ng hagdanan at napayuko.

" Yun na nga eh. Alam niyang galit ka kay Blue Empress . Sa tingin mo ba kung ikaw si Keigh sasabihin mo bang ikaw si Blue Empress? Sasabihin mo ba iyon sa taong alam mong may galit sa kanya?" I heard Dex said to him.

" Sa tingin mo ba mamahalin at mararanasan mong maging masaya kapag sinabi niya agad sayo na siya at si Blue Empress ay iisa? Sa tingin mo ba magkaka ayos kayo ng pamilya mo kapag wala siya? Sa tingin mo ba mabubuhay at matutuwa si Claire kapag naipaghiganti mo na siya?" Sunod sunod na sabi ni Dex

Pinunasan ko ang mga luha mula sa mga mata ko.

" It doesn't matter I don't love her." He coldly said.

Mas lalo akong napaiyak. Naramdaman kong papalabas na sila kaya nagtago ako sa kabilang room. Narinig ko pa silang nagtatalo patuloy lang ako sa pag iyak. Napaupo ako sa sahig. Ilang oras akong nanatili doon.

Sana magwork itong plano ko. Sana mapatawad niya ako. Sana masabi ko ang rason ko at ang katotohanan.

I will explain everything. I will tell to him the truth. Nagtungo ako sa music room. Pinaalis ko ang mga tao doon. Agad naman silang umalis. Malamang alam na nila kung sino talaga ako.

Iyon ang isa sa mga dahilan ko kung bakit itinago ko ang tunay kong pagkatao. Sino naman ang hindi matatakot sa isang katulad ko. Gang leader. A Mafia Boss.

But I'm not bad. I am Collyne Keigh. The girl who they used to called Engot.

( Playing: In The Name Of Love by Yasmien Kurdi)

I'll still remember

The day we first met

There was love all around

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon