Prologue

1.3K 43 10
                                    

Lumabas ang isang babae mula sa isang sasakyan. She looked around at nakaramdam agad siya ng lungkot.

She closed her eyes quickly and open it again, unti unti siyang naglakad papasok sa lugar. After a month, ngayon lang ulit siya nakabisita.

Tumigil siya sa isang lugar and she squat on the ground.

“Matagal na din pala simula nung iwan mo ako, alam mo ba na miss na miss na kita? Sorry ngayon lang ako nakabisita sayo,"  Malungkot na sabi ni Collyne habang nakatingin sa isang puntod.

Nalulungkot siya ng sobra at parang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit.

Hindi niya maintindihan kung bakit ba iyon mangyari sa kanya. She cant accept it, she just can't.

“Bakit mo ba kasi ako iniwan? Ang daya daya mo talaga, wala na tuloy akong kasama at kakulitan,” Umiiyak nitong sabi.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita, “Mahal na mahal kita kaya hindi ko pa masyadong natatanggap na wala ka na kyle sa mundong ito, ” Humihikbing aniya.

“Sobrang lungkot ng mundo ko nung nawala ka.” Nasasaktan nitong sabi habang patuloy parin sa pag iyak.

“Gusto kong bumalik ka pero hindi na pwede, wala ka na sa mundong ito.” Lumuluha niyang sabi at pahina ng pahina na ang boses niya habang sinasabi niya ang mga iyon.

“Na realize ko hindi ko pal—" Hindi naituloy ang sasabihin niya dahil may nagsalita mula sa likuran niya.

“Hey, bakit ang tagal mo dyan?” Masungit nitong tanong kay Collyne.

“Ang drama mo ha iniiyakan mo na naman ba siya?” Patuloy pa nitong sabi.

“Eh anong magagawa ko ang sakit sakit dito oh.” Sabay turo sa may puso niya.

Napailing nalang ang pinsan niya. “Pwede ba wag kang O.A, matagal ng patay yang si kyle mo. Maghanap ka na ng bago!” Umiirap nitong sabi.

“Ang hirap kayang makahanap ng isang tulad niya. Ang mahal kaya ng ganiyang aso.” umiiyak nitong sabi.

“Tsk! Dami mong satsat. Halika na may aasikasuhin ka pa diba?” Sabi sa kanya ng pinsan niya.

“Oh my! Oo nga pala mayroon pa.” Gulat nitong sabi sabay tayo.

“Ba - bye na kyle ko I Loves you.” Paalam nito at umalis na sila.

*****

Words Count: 348

*****
Thank you for Reading

EDITED

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon