Chapter 15

557 26 4
                                    

His life

Third Person POV

Bali balita ang naging pagbagsak ng companies nila Sara. Mula sa pagiging mayaman naging mas mahirap pa sila sa daga. Hindi makapaniwala si Sara sa nangyari. Hindi na afford ang pagpapa aral sa kanya sa CMA kaya nag drop na siya. Iyak siya ng iyak. Lahat ng mga taong inakala niyang kaibigan niya ay iniwan siya sa ere.

' lahat ng kasalanan pinagbabayaran'

Naalala niya ang sinabi ni Keigh. Hindi niya inakala na kaya siyang pabagsakin ng ganun kadali. " That girl! I hate her! But i know it's my fault!" Inis niyang sigaw.

In the other side

Isang buwan. Isang buwan lang ang ibinigay niyang palugit para pagsisihan ni Sara ang nagawa niyang kasalanan. She wants her to learn her lesson in life. Hindi lahat ng bagay ay kayang bilhin ng pera. Hindi lahat ng bagay ay pwedeng kontrolin. Hindi lahat ng bagay ay magagawa mo. At hindi lahat oras ay nasa tuktok ka. Kailangan mo ring maranasan ang hirap.

Gusto ni Keigh na matutunan ni Sara ang lahat ng iyon. At kapag nagawa niya within one month. Ibabalik niya ang lahat ng yaman ng pamilya ni Sara. Alam ni Keigh na kaya pang magbago ni Sara. Obsess lang siya kaya Kyle Myloves ni Keigh.

" Huy Keigh nasa ibang planeta yata ang isip mo! Okay ka lang" tanong ni Chez.

Umiling si Keigh

" Bakit may masakit ba sayo?"

" Meron? Wala? Baka?" Wala sa sariling sagot ni Keigh.

" Huh?" Tanong nina Chez at Cass.

" Walang masakit sa akin . Pero may problema ako" sabi ni Keigh.

" Ano yun?"

" You can tell to us"

Sabay sabi nina Chez at Cass.

Seryosong tumingin si Keigh sa dalawa.

" Bakit ba ang ganda ganda ko!"

Napa make face nalang ang dalawa sa naging sagot ni Keigh

" Bakit nga ba umasa kaming nagseryoso ka." Sabi ni Cass

Napatawa nalang si Keigh.

" Grabe ka! Nga pala alis na muna ako pupuntahan ko si Kyle Myloves ko!' paalam ni Keigh sa dalawa.

" Anong Kyle Myloves ko ka diyan. Bakit pagmamay ari mo?" Sarkastikong sabi ni Chez.

" Oo sabi niya. He's mine daw. Oh ano ka!" Nakangiting sabi ni Keigh with matching mahinhing tawa pa.

" Tsk"

******

Collyne Keigh POV

" Hi Kyle Myloves ko!" Energetic kong bati sa kanya pagkadating ko sa rooftop. Ito yata ng tagpuan namin ah. Hehehe

" Hey!" Bati niya pabalik.

Oh diba ang ganda ko( anong konek?) Hehehe wala

Umupo ako sa tabi niya. Ang tahimik. Palagi naman siyang tahimik but parang may iba ngayon eh.

" You okay?" Tanong ko sa kanya tumango naman siya pero parang hindi naman siya okay.

" Kung may problema ka pwede mong sabihin sa akin. Pero kung ayaw mo naman okay lang"

Narinig ko siyang napabuntong hininga.

" Ask me anything." He said

Woah talaga?

" Can you be my husband?" Birong tanong ko sa kanya. He chuckled

Napatingin ako sa kanya. Mas gwapo siya kapag ganyan siya. Naka ngiti at tumatawa. May dimple siya.

" Silly!" Natatawang sabi niya

" Sabi mo kasi ask anything" napasimangot kong sabi.

" Don't pout" sabi niya sa akin kaya nag smile nalang ako.

" Eto nalang. Kailan ka naging leader ng DPG?" Tanong ko sa kanya

"Since im 15 years old" sagot niya. Ang bata ah.

" Eh bakit ka naging Gangsters? Diba sobrang gulo dun?" Tanong ko ulit.

Ayan lumalabas na naman ang pagiging chismosa ko.

Hindi siya nakasagot agad.

" Yeah magulo pero may dahilan ako. Gusto kong ipaghinganti ang kapatid ko." May bahid ng galit niyang sabi. Kaya napalunok ako

" Hindi sa chismosa ako ah sa ganda kong toh chismosa ako? Hehehe bakit mo ba siya ipaghinganti?" Tanong ko ulit.

Alam kong masyado ng personal ang tanong kong yun

" We need justice for our princess, nag iisa lang siyang babae sa pamilya namin pero she died. And it's because of that damn Blue Empress!!" Galit nitong sagot.

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Blue Empress?

" Because of her wala na ang kapatid ko. Wala na siya! " Nasasaktan nitong sabi pero nababahiran ng galit.

" Galit ako sa kanya at yun ang dahilan kung bakit ako pumasok sa mundo niya. I want my revenge. 12 years old lang ang kapatid ko nung namatay siya sobrang bata pa niya! Hindi na siya makilala nung inilabas siya dahil sobrang nasunog ang balat niya tanging ang kwentas niya lang ang nagbasehan namin. Sobrang sakit hindi niya deserve mamatay. Anim na taon na ang nakakalipas pero the pain is still in my heart" puno ng paghihinagpis niyang sabi.

" And in that day i promise to myself hahanapin ko si Blue Empress. Kasalanan niya ang nangyari. Kasalanan niya"

" Nakita ko siya nung araw na iyon. I saw her with my two eye. Nakatutok ang baril niya sa kapatid ko!"

" But.. hindi ko alam ang sumunod na nangyari dahil may pagsabog na nangyari. Nawalan ako ng malay. Nagising nalang ako nasa labas na ako. Kasama ko ang mga magulang. It hurts because i didn't save her. Im so worthless" umiiyak niyang kwento

" I'm sorry" malungkot kong sabi sa kanya at niyakap siya.

May dalawang ibig sabihin ang sinabi ko. Sorry for asking and sorry dahil ako si Blue Empress na hinahanap niya.

Hindi ko alam...

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

" It's okay hindi mo kasalanan. Thanks for being here by my side. Today is my sister death anniversary and it is fucking hurts" lumuluhang sabi niya.

Pinunasan ko ang mga luhang nahuhulog mula sa mga mata niya. Umiiyak narin ako. I don't know na may ganitong side si kyle. Ang kilala kong Kyle ay seryoso, tahimik , cold, matapang, fearless and emotionless.

Pero ang kyle na nasa tabi ko ngayon ay ibang iba. He's in pain. Hurt. Ang crying like a lost child.

" Im sorry I'm really sorry Kyle" bulong ko sa kanya.

I'm sorry kyle. Alam kong nasasaktan ka ng dahil sa akin. Ng dahil kay Blue Empress but I really dont know. I don't know na nag dudusa siya ng dahil sa akin.

Im so sorry. I love you. I do love him. Sobra.

But the question is...

Mahal niya rin ba ako?

Kung oo..

Mamahalin mo pa kaya ako kapag nalaman mo na kung sino talaga ako?

Humigpit ang yakap ko sa kanya. I love him so much hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal.

Patuloy ang pagbagsak ng mga luha niya ganun din ako.

Tumingala ako.

Please God. Just this time. Let me love him. Bilang Collyne Keigh Fuentabella. Please I'm begging.

*****
Hi guys..

What do you think about their situation? Sana mapatawad ni Calyx si Keigh kapag nalaman na niya yung totoo.

Enjoy reading lang po and have a nice day. Don't forget to VOTE and COMMENT po..^_^

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon