Chapter 42

502 22 0
                                    

Chasing Her

Collyne Keigh POV

" Good morning Ma'am." Nakayukong bati sa akin ng isang babae.

Tumango lang ako at nagtungo na sa office ko. Nakita ko si Carrie doon. My Assistant and also my Secretary.

" Good morning Ma'am Keigh!" Nakangiting bati niya.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Binuksan ko ang pintuan ng main office ko at pumasok sa loob.

Sumunod sa akin si Carrie.

" Ma'am your schedule for today is may meeting kang dadaluhan mamayang 10 am. Tapos pagkatapos nung meeting may appointment po kayo kay Ms. Sy." She said. Umupo ako sa swivel chair ko at tinignan siya.

" Si Jessica?" Tanong ko.

Anong kailangan nung babaeng yun sa akin?

" Jessica ma'am? Sino po yun?" She confusedly asked.

" Oh forgot what I've been said." Bawi ko. Tumango naman siya.

" Eh sa hapon?" Tanong ko.

Tinignan niya ang iPad na hawak niya at saka muling tumingin sa akin.

" You are free at the afternoon. No appointments. No meetings. No gatherings" she answered.

Tumango ako.

" Very well. Okay you can go back to your station now" sabi ko sa kanya.

" Okay Ma'am." She said.

Lumabas siya mula sa office ko. Sinulyapan ko yung orasan sa dingding ko. 9: 04 am.

Isinandal ko muna ang ulo ko sa swivel chair ko at bahagyang pumikit.

Napamulat ako dahil sa isang ingay na nagmumula sa labas ng office ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. What's happening?

Tumayo ako mula sa upuan ko at naglakad papalapit sa pintuan.

" Sir. Bawal po talaga kayong pumasok. Wala po kayong appointment." I heard Carrie said.

" I just want to talk to her." Someone answered.

Hmm?

" Pero sir bawal po talaga!" Ulit na sabi ni Carrie.

" This is important." Malamig at seryoso niyang sabi.

Binuksan ko ang pintuan ng office ko. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.

Anong ginagawa niya dito?

" Ma'am nagpupumilit po kasi siya pumasok." Carrie said to me.

" Keig-"

" Carrie. Go now. I'll take care of him" sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at umalis na. Ibinaling ko ang tingin ko sa taong nasa harap ko.

Malamig ko siyang tinignan.

" What do you need?" Seryosong tanong ko.

Lumambot ang malamig niyang tingin.

" I... I want to talk to you." Sagot niya.

Nagkasalubong ang dalawang kilay ko.

" About what?" I asked.

" About us." Sagot niya na muntikan na akong matawa.

About us? Nakalimutan niya yata. Wala ng kami dahil pinutol niya ang kung anong meron kami four years ago.

" About us?" Tanong ko.

Ngumisi ako.

" Ano namang pag uusapan natin tungkol sa ating dalawa?" Tanong ko.

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon