The News
Third Person POV
Naging usap uspan ang pagkawala ng mga BSG sa Rankings.
(Tambayan ng DPG sa school)
" The Black Shark Gang has been out in the Rankings at ang mga Peace Keepers ang may gawa nun" Luke said while eating his food.
" Wala mga gago kasi. Ang lakas ng loob nilang mandaya" nanggigigil na sabi ni Lance.
Walang imik lang sina Dex at Calyx.
Nag ce cellphone si Dex habang nakasandal lang si Calyx sa may sofa.
" Balita ko may gaganaping activity Next month" sabi ni lance. Nakuha nun ang atensiyon ng dalawa.
" Anniversary ng school at may mga kabaduyan silang naiisip" patuloy niya.
Napatango nalang si Luke wala siyang masabi eh. Nag bored look naman sina Calyx at Dex. Akala kasi nila yung sinasabing activity ni luke ay sa Gang World.
Maya maya may kumatok sa may pintuan, binuksan iyon ni luke timambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Keigh.
" Who are you?'' seryosong tanong niya dito. Ngumiti lang si Keigh at hindi man lang natakot .
" Im looking for Mr. Kyle" nakangiting sabi nito at hindi sinagot ang tanong ni luke.
" Who's kyle?" Taning nito.
" Si Kyle!" Sagot naman niya.
Nung napagtanto ni luke na baka si Calyx ang hinahanap ni Keigh ay tinawag niya si Calyx.
" Cal. May naghahanap sayo!" Sigaw nito sa loob.
Sinenyasan ni calyx na paalisin kung sino man yung taong naghahanap sa kanya sinunod iyon ni luke.
" Im not leaving" determinadong sabi ni Keigh
" Miss who ever you are. Ayaw niya ng istorbo. What do you need from him?" Tanong ni luke kay Keigh.
" Wala akong kailangan sa kanya, may ibibigay lang" sagot nito
" Ano yun?" Tankng ni luke.
May ibinigay na paper bag si Keigh.
" Pakibigay nilang at sabihin mo sa kanya sorry" sabi ni Keigh at umalis na.
Pumasok si luke sa loob at ibinigay ang paper bag kay Calyx.
" What's that?" Tanong niya, nagkibit balikat si Luke
" She said sorry daw" sabi niya. Kinuha nalang ni Calyx ang paper bag at tinignan kung anong laman. Nagsalubong ang dalawang kilay niya at bahagyang nagulat sa nakita.
Yung damit niyang namantyahan. Kaparehong kapareho ng damit niya. Yung damit na iyon ay importante sa kanya. Regalo iyon ng kapatid niyang namatay na.
" That girl is really something" sambit niya sa isip niya.
Tumayo siya.
" Where are you going?" Tanong ni Dex sa kanya.
He doesn't say a word patuloy lang siyang lumabas.
Collyne Keigh POV
Naibigay ko na kay Kyle yung kapalit ng damit niyang natapunan ng juice. Wala na akong atraso sa kanya.
Andito ako ngayon sa classroom namin , hapon na at last subject ko na to. Wala si Chez absent siya at pati rin si Cass absent din siya.
Anong mayroon? Lunes na lunes absent sila? Ang bongga nila ah. Nakinig nalang ako sa prof namin. Naboboring na yung mga kaklase ko well hindi ko sila masisisi last subject na to at history pa.
Nagbabasa lang ng text book si ma'am at ang boring nga. Nagtaka nalang akong nung biglang umingay.
" Si King Calyx!"
" Oh my gosh!"
" Anong ginagawa niya dito?"
" Kyahhh"
Rinig kong sabi niya. Huh? Ano daw? Si crush?
" Si King Calyx papunta dito!" Malakas na sigaw ng isang babae.
Nagkagulo na ang mga babae naging hyper na sila samantalang kanina para na silang mga lantang gulay.
Napatigil si ma'am sa pagbabasa at nagtingo sa may pintuan para buksan iyon.
Pumasok naman si Kyle ko at iginala ang tingin sa paligid.
" Tinignan niya ako!!!" Kinikilig na sabi ng babaeng nasa harapan ko. Wow ha? Akin lang siya! Kyle is mine. Mine alone! Hahaha charot!
Nung nagtama ang tingin naming dalawa ngumisi siya. Scary! May sinabi siya kay ma'am pero hindi namin narinig. Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya.
" Ms. Fuentabella. Mr. Dela Vega wants you to come with him!" Sabi ni ma'am.
Ah may kailangan pala siya kay Ms. Fuentabella. Nakita kong napatingin silang lahat sa akin. Wait! Fuentabella? Ako ba yun o si Jes? Parang ako nga eh wala naman si Jes dito.
Kaya tumayo na ako mula sa upuan ko at lumabas na. Nakita kong ubod ng sama ng tingin ng mga babaeng classmates ko. Huhuhu ang scary ng face nila.
Pagkalabas ko nakita ko siyang nakasandal sa may wall. Ang pogi shet!
" Bakit?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita, nagsimula na siyang maglakad. He signed me to follow him kaya sumunod ako. Nagtungo siya sa rooftop ng school.
" What are we doing here?" Tanong ko sa kanya.
Pinagmasdan ko ang muka niya. Ang gwapo talaga niya^_^
" I didn't forgive you yet" biglang sabi niya. What? Hindi pa ako okay sa kanya.
" I will forgive you in one condition" patuloy niya.
" Talaga?ano yun?" Excited kong sabi. Tumingin siya sa akin.
" Be my slave!" Seryosong sabi niya. Slave? Hindi na rin masama. Pabor pa yun sa akin palagi ko siyang makakasama. Hihihi
" Okay!" (^_^)
" Starting tomorrow I want you to report at Gym exactly 8 o'clock in the morning" Walang emosyon niyang sabi.
Tumango naman ako. Wala akong klase sa umaga at dahil naging Slave niya ako maaga akong papasok bukas.
" Sige yun lang ba? I have to go now bye!" Nakangiting sabi ko.
Aalis na sana ako pero may nakalimutan akong gawin kaya bumalik ako sa pwesto niya yung malapit na malapit sa kanya.
" What?" He asked.
" Hehehe patingin ng gwapo mong mukha bago ako aalis" sabi ko sa kanya.
Ang gwapo niya talaga kaya hindi ko napigilang pisilin ang ilong niya. Nagulat siya sa ginawa ko pati nga rin ako kaya dali dali akong lumayo sa kanya. Naka ngiti akong nag peace sign sa kanya.
" Sorry ang gwapo mo kasi" last kong sabi at patakbong umalis na.
Mahirap na baka basagan niya ako ng mukha.
Third Person POV
Nang makaalis na si Collyne ay sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Calyx. He really hates the Fact na nacu cute tan siya sa babaeng iyon.
Napailing nalang siya at nilisan narin ang lugar. May pupuntahan pa silang mga DPG. Galit siya kay Blue Empress pero hindi niya maiiwasang humanga. That girl is really interesting and mysterious. Hindi na siya makapaghihintay na makilala kung sino si Blue Empress.
BINABASA MO ANG
Her Deepest Secret
ActionSECRET SERIES 1 Collyne Keigh Fuentabella, a nerdy, childish and slow minded girl who has multiple secrets. Sa kabila ng maamo niyang mukha nakatago ang isang sikreto. Isang sikreto na nagkukubli sa tunay niyang pagkatao. She only wants to finish he...