Chapter 13

550 28 1
                                    

She's Missing

Third Person POV

" Bakit ang tagal ni Keigh sa CR?" Nagtatakang tanong ni Cass. Pati si Chez ay nagtataka narin. Tumayo si Cass.

" Tara tignan natin siya" yaya ni Cass kay Chez.

Tumango si Chez at Nagtungo nasila sa CR.

Pagkadating nila doon wala silang nakitang Collyne Keigh maliban sa isang bagay ang bracelet niyang kulay asul kaya naman nagsimula na silang kabahan.

Pumunta sila sa room nila pero ganun parin wala siya doon. Pinuntahan din nila lahat ng pinupuntahan ni Keigh pero wala parin.

" Where is she?" Nag aalalang tanong ni Chez.

" What's the matter?" Tanong ng isang babae sa likuran nila.

Lumingon silang dalawa at nakita nila si Jessica. Nagdadalawang isip ang dalawa kung sasabihin ba nila na nawawala si Keigh.

" Keigh is missing" nag aalalang sagot ni Cass.

" What!? Are you sure?" Gulat na tanong ni Jes

" Yes pinuntahan na namin lahat ng pinupuntahan niya but wala talaga siya" sagot ni Chez.

" Wait! Tatawag ako sa bahay baka umuwi na siya." Sabi ni Jes at tinawagan ang telepono sa bahay nila.

" Ano daw?" Tanong ni Chez. Umiling si Jes

"Wala daw siya sa bahay. Hayst that girl! Where did she go?" Nag aalala na ding sabi ni Jes.

" Did you see Ms. Fuentabella?" Tanong ng isang lalake.

" Huh?"

Sino ba kasing Fuentabella ang hinahanap niya? Eh Ms. Fuentabella din naman si Jes.

" Keigh" sagot nito nung makita niya ang ekspresyon ng tatlo.

" Ah kasi...."

" Sa katunayan..."

" She's nowhere to be found." Sagot ni Jes.

Kumunot ang noo ni Calyx.

" What do you mean?" Tanong nito.

" You know what I mean" sagot ni Jes at nagsimula ng maglakad papaalis.

Naiwan sina Chez at Cass sa harapan ni Calyx. Madilim ang mukha nito at nakakatakot talaga.

" When?" Malamig niyang tanong sa dalawa.

" Two hours ago" sabay nilang sagot.

Pagkarinig nun ni Calyx agad siyang umalis.

Kinabukasan wala paring Keigh ang nagpakita hanggang sa lumipas ang isang araw hanggang sa maging limang araw na wala pa ding Keigh ang umuwi sa bahay ng mga Fuentabella. Lahat ng ka klase niya ay nagtataka na kung bakit siya Wala.

" Kulang yata kayo ng isa!" Nakangising sabi ni Sara kina Cass at Chez. Napatingin naman ang dalawa kay Sara.

" Ikaw ang may pakana ng pagkawala niya so Shut up!" Asar na sabi ni Chez kay Sara.

Nagpanggap naman na nagulat ito sa narinig.

" Wag mo akong pagbintangan baka natakot sa akin ang bruha kaya di na nagpakita?"

' well ako nga ang dahilan kung bakit siya nawawala niya at sigurado akong hindi na iyon makapaglakad ngayon' parang demonyong sambit nito sa isip niya.

" Shut up bitch! Hindi yun takot sayo!" Malamig na sabi ni Chez.

Ngumisi lang si Sara at umalis na.

" Akin lang si Calyx. Akin lang siya. Walang sino man ang makakakuha sa kanya kundi ako. Ako lang" bulong niya sa sarili niya.

Napangisi nalang siya habang naglalakad. Iniisip niya kung buhay pa ba ang babaeng kaagaw niya. No wonder kung bakit nawawala o missing in action si Keigh.

Ini imbestigahan nina Calyx ang pagkawala ni Keigh na parang isang bula sa loob ng CMA Campus. Hindi lang basta basta makakalabas ang mga estudyante ng CMA. Nasa CCTV Room silang apat ngayon. Pinapanood ng CCTV footage noong araw na nawala si Keigh.

" Calyx. See this" Sabi ni Luke kay Calyx.

Lumapit naman si Calyx doon.

Nakita niyang naglalakad si Keigh papuntang CR ng mga girls.

" This also" sabi naman ni Lance.

Pumasok si Keigh sa CR at pagkapasok niya may tatlong lalake sa kanya ang nag aabang sa labas.

Pagkalabas ni Keigh ay tinakpan nila ang bibig nito at hinila paalis.

" Ito yata yung kadugtong." Sambit ni Luke.

Dinala si Keigh sa isang abandonadong Room. Hanggang doon nalang iyong nakuha ng CCTV camera.

Dali dali silang lumabas sa CCTV Room at natungo sa abandonadong Room. Pagkadating nila doon may nakita silang mga bakas ng dugo. Nag Dry na ito. Pumasok sila sa loob. Mas marami ang dugo doon kumpara sa dugo na makikita sa labas

Nandun din ang mga ginamit nilang mga bakal na tubo, baseball bat at kahoy na pinangpalo nila kay Keigh. May mga bakas pa iyon ng dugo.

Napamura silang apat sa nakita lalong lalo na si Calyx. Hindi sila makapaniwala sa nakita. Asan na si Keigh? Imposible pang nakatayo ito. Galit na galit na lumabas si Calyx sa lugar na iyon. Kung malaman niya kung sino ang may pakana ng pagkawala ni Keigh lagot silang lahat.

May isa pang problema. Nasaan na si Keigh? Sino ang nakakita at tumulong sa kanya.

Tulog parin si Keigh hanggang ngayon. Wala ng bakas ng pagkabugbog. Bumalik na ang dati nitong mukha.

Kung normal lang siyang tao siguradong aabutin ng ilang buwan bago siya gumaling pero siya isang linggo lang okay na naman siya.

Binabantayan siya ni Sapphire, ang nag iisang taong pinagkakatiwalaan niya at nag iisang tao na nakaka alam sa tunay niyang pagkatao.

Sapphire knows her true identity and Blue Empress knows her true identity too. They know each other.

" You save me. Thank you so much Keigh. Pangako nasa tabi mo lang ako lagi" Bulong ni Sapphire.

Nakita ni Sapphire na umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Keigh.

"Ayiehhh ang sweet mo naman!" Nakangiting sabi ni Keigh at saka dahan dahang bumangon.

Napatayo si Sapphire sa gulat hindi niya in expect na gising na si Keigh.

" Gising ka?" Takang tanong ni Sapphire.

" Yes. Anong date na ba? Ilang araw akong tulog?" Tanong ni Keigh.

Yes ganyan ang totoong Blue Empress. She's so childish and easy go lucky person. Kapag silang dalawa lang mga isip bata sila. Pero kapag nasa Gang world o kaya may kinalaman sa mafias o gangs ay nag iiba ang katauhan nila. They need to be tough, strong, brave, fierce, emotionless and Ruthless.

" 5 days." Sagot ni Sapphire.

" Ahh napa aga ako ng dalawang araw. Ang bongga!" Masaya nitong sabi.

Nakatingin lang si Sapphire kay Keigh.

" Natulala ka? Ang ganda ko noh?!" Tanong nito kaya Sapphire saka kumindat pa siya.

Tumango nalang si Sapphire.

" Talaga? Hahaha salamat!" Masayang sabi ni Keigh with matching malaki eyes pa.

Magkaiba ang kulay ng mga mata ni Keigh ang gandang tignan. Blue and Reddish.

" Hay naku. Si sara talaga. Nag effort pang ipa bugbog ako. Mapasalamatan nga sa Monday' sabi nito...

*****

Hi there guys!! Thank you for Reading. Ano pong masasabi niyo sa mga Characters ng kwentong toh? Enjoy reading!! And don't forget to VOTE and COMMENT...^_^

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon