Chapter 40

482 25 1
                                    

He's cold but she's colder

Collyne Keigh POV

" Keigh. You came!" I heard Cristina said at my back.

Nasa loob na ako ng Venue. Lumingon ako sa kanya at tipid siyang nginitian. Naglakad siya papalapit sa akin at nakipagbeso beso

" You're so gorgeous tonight Keigh." Nakangiting sabi niya sa akin.

Ngumiti ako.

" Thank you. Ikaw din you look so beautiful tonight." Sabi ko pabalik.

" Thank you Keigh."

Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon pero kahit ganun ang bata parin niya ityura niya.

" Salamat sa pagdalo Keigh. Malaking bagay ito para sa amin ni hubby." She said to me.

" No worries and besides hindi naman kayo bago sa akin." Sagot ko.

She smiled. Nagtungo kami sa lugar kung nasaan ang asawa niya. Mr. Xiao Feng.

" Ms. Fuentabella!" Gulat na sabi ni Mr. Xiao Feng. Malamang hindi niya inakala na dadalo ako.

Ngumiti nalang ako sa kanya.

" Thank you for coming Ms. Fuentabella." Paghingi niya ng pasasalamat.

I nodded

Nagtungo ako sa isang table. Mag isa lang ako doon. Sina Xi at Cris ay inintertain muna ang ibang mg bisita.

Tahimik kong pinagmamasdan ang buong paligid. Magara, elegante at maganda. Ang mga tao sa paligid ay mga matataas na tao sa lipunan. Some of them ay mga business magnates , politicians, and so many more.

Nakita kong pumunta sa stage si Xi at nagbigay ng speech. Such a wonderful speech. Sunod nilang ginawa ay in explain nila kung bakit may ganitong event. Maraming nag donate, may mga nag donate na malinis ang intensyon yung hindi humihingi ng ano mang kapalit. May mga nag donate na pagpapakitang tao lang.

I donated 20 million. Kung tutuusin kapiranggot lang iyon sa perang kinikita ko buwan buwan.

I believe. We should share the blessings that God gave to us.

Aside from that donation thing may isang activity din silang ginawa. Auction. Paang donation din iyon kaso may bibilhin ka na.

Una nilang i binid ay isang painting na nagmula pa sa panahon ng mga kastila. Ipininta iyon ng isang tanyag na pintor.

Nabili iyon ng isang babaeng mahilig at nangongolekta ng mga Antics sa halagang kalahating milyon. Nagsimula ang biding price sa fifty thousand.

Sunod na ibinid ay isang white Pearl Necklace. Binili iyon ng isang babaeng mahilig sa mga pearls sa halagang dalawang milyon.

Sa lahat ng ibinibenta nila isa lang ang nakakuha ng atensiyon ko. Yun ay ang Blue Diamond Ring. I like the design. Nanggaling sa England ang singsing but yung diamond ay nanggaling sa Middle East.

Nagsimula ang biding price sa 3 million. Maraming babae ang nagkagusto sa ring na iyon. Pinabibili nila sa kanilang mga asawa

" 5 million!" I heard a woman said.

" 5.5 million!" Sabi ng isang babaeng malapit a kanya.

" 6 million!" Sabi ng isang lalake mula sa likuran

" 7 million!" Sabi nung babaeng nagbid ng five million.

" 8 million!" Sigaw nung lalake.

" 10 million"

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon