Love
Collyne Keigh POV
Huminga ako ng malalim at pumikit. Muli akong napamulat, Hindi ako makatulog. Bumangon ako mula sa kama ko at hinawakan ang mukha ko.
Bakit ba hindi ako makatulog? Bumaba ako mula sa kama at lumabas sa kwarto ko. Tulog na lahat ng tao sa loob ng bahay ko pero hindi parin ako makatulog tulog.
Mag wa one am na, dumungaw ako sa bintana ko. Madilim sa labas at umaambon. I can see it through the light scattered outside.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. I can't sleep because I'm of something. Iniisip ko siya.
Nung time na muli kong narinig ang boses niya, parang bumalik ang lahat ng ala ala naming dalawa. Yung masasaya at malulungkot at masasakit na ala ala.
Hindi ko man maamin amin sa sarili ko. Miss na miss ko na talaga siya. Mula noon hanggang ngayon. Siya parin talaga. Pero natatakot ako. Natatakot akong iwan niya din ako someday. Natatakot na akong maiwan, masaktan at hindi paniwalaan.
Napatigil ako sa pag eemote ng marinig ko ang iPhone ko na tumutunog.
Sinong tumatawag ng ganitong oras? Naglakad ako papalapit sa pinaglagyan ko ng iPhone ko.
Unregistered number ang tumatawag.
Huh? Sino naman toh? At paanp niya nalaman number ko?
Namatay ang tawag pero muling tumunog ang iPhone ko.
Kinuha ko nalang iyon at sinagot ang tawag.
Sobrang ingay ang sumalubong sa akin. May mga nagsisigawan, nahihiyawan, at nagmumurahan.
" Who's this?" I coldly asked.
" Keigh!!" I heard someone said.
" Please come here. We need you. Ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya."
Teka si Dex ba toh?
" Keigh. Dex is right. Hindi namin siya mapatahan. Wasak na wasak ang puso niya dahil sa pag alis mo sa park kanina. Ayaw niyang magpaawat. Nakikipag..... Oh shit.. Lance. Ikaw nga makipag usap... Mabibitawan ni Dex si Calyx." Rinig kong sigaw ni Luke.
" You fucking shit! Asshole! " Someone cussed
" Keigh... Come please bago pa makapatay si Calyx sa galit at lungkot." Lance almost beg.
Huh? Makapatay? Shit.
May narinig akong sigaw.
" SHIT... CALYX GET BACK TO YOURSELF!! CALM DOWN!!" I heard Dex shouted.
" Shit... Keigh.. " sabi ni Lance.
" okay I'll come." Sabi ko.
" Salamat I'll-" hindi ko na siya pinatapos. I end call ko na at inilocate ang lugar kung nasaan sila.
Kumunot ang noo ko ng makita ko kung saan. Sa isang Bar. Pssh.
Dali dali akong lumabas sa bahay at nagtungo sa kotse ko sa garahe. Agad akong sumakay at pinaharurot iyon papalayo.
Agad akong nakarating sa Bar na iyon. Nagsisilabasan ang mga tao. Mukha ngang may gulo sa loob. Dali dali akong bumaba sa kotse ko at nagtungo sa loob. The bouncer knows me so pinapasok nila agad ako.
Magulo, maingay at hindi kaaya aya ang nakita ko. Siya. Pilit na inaawat nung tatlo. Patuloy tuloy ang pagsuntok niya sa lalakeng nakahiga na sa sahig at duhuan. Nothing change. Madali parin siyang mainis.
![](https://img.wattpad.com/cover/222118406-288-k404406.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Deepest Secret
ActionSECRET SERIES 1 Collyne Keigh Fuentabella, a nerdy, childish and slow minded girl who has multiple secrets. Sa kabila ng maamo niyang mukha nakatago ang isang sikreto. Isang sikreto na nagkukubli sa tunay niyang pagkatao. She only wants to finish he...