it's Over
Collyne Keigh POV
Alam kong tapos na ang laban. Napangiti ako. Hawak hawak ko anv kaliwang dibdib ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.
I cried.
I cried because of happiness and also .. pain.
Alam kong maputla na ako ngayon. Mabilis ang pagkahulog ng helicopter sa tubig dahil sa lakas ng impact tumama ako sa isang matigas na bakal na siyang nakapagpahilo sa akin.
Blurred na ang paningin ko dahil sa tubig. Wala na akong lakas para lumangoy paitaas para huminga.
Gusto ko pang mabuhay God. Para sa mga anak ko at sa mga mahal ko sa buhay.
Unti unti akong pumikit. Their faces flashed into my mind. Their happy faces.
Nagflash sa isip ko si Kyle, my friends, my family, my gang, my Mafia.
I opened my eyes.
Hindi! Hindi ako pwedeng mamatay. Nagkaroon ako ng lakas ng loob. Lumangoy ako paitaas. Sumalubong sa akin ang mga bituin sa kalangitan. Malayo na ang Cruise Ship mula sa kinalalagyan ko.
Marami na akong dugo ang nawala.
" Keigh!!"
Napangiti ako ng may marinig akong sumisigaw, isinisigaw ang pangalan ko.
The war is over, we're safe now, if I will survive. I will fix all the things. Itatama ko ang lahat. This is my chance to be happy. Ito na ang pinangarap kong kalayaan. Ito na yung pagkakataong magiging maayos na ang lahat.
Dahan dahan akong tumingala sa kalangitan.
" Thank you God." I murmured.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata.
" Keigh!!" I heard him shouted my name.
Kyle.....
Third Person POV
Matapos niyang marinig ang boses ni Kyle nawalan ma siya ng malay. Sobrang dami na ang nawalang dugo mula sa katawan niya.
May dalawa siyang tama ng baril sa katawan at marami siyang nakuhang sugat at pasa sa laban.
May tama siya sa braso at ang isa ay malapit sa kanyang puso. Mabagal na ang paghinga niya. At sobrang nag aalala silang lahat sa kanya. Nasa critical siyang kalagayan ngayon.
Nasa hospital na sila ngayon. Bakas sa mukha nila ang pag aalala at kaba lalong lalo na si Kyle. Hindi siya mapakali.
" Calyx can you please sit down!" Utos ni Jes sa kanya.
Pero nagpatuloy lang sa paglalakad ng pabalik balik si Kyle at para siyang walang narinig.
Napabuntong hininga nalang si Jes. Maya maya lumabas na ang doctor na may lungkot sa mukha.
" I'm sorry."
Agad na kinuwelyohan ni Kyle ang doctor.
" No you are lying!" Galit niyang sigaw sa doctor.
" Calyx!" Pigil ni Dex sa kanya at pinaghiwalay sila.
" Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Natanggal na namin ang bala ng baril sa katawan niya but she loses too much of her blood. Kailangan siyang masalinan ng dugo as soon as possible, her blood is too rare. -AB sa ngayon wala pa siyang malay at hindi namin alam kung kailan siya magigising o hindi na talaga siya magigising pa. And as for now. Machine nalang ang bumubuhay sa kanya." Mahabang paliwanag ng doctor.
BINABASA MO ANG
Her Deepest Secret
ActionSECRET SERIES 1 Collyne Keigh Fuentabella, a nerdy, childish and slow minded girl who has multiple secrets. Sa kabila ng maamo niyang mukha nakatago ang isang sikreto. Isang sikreto na nagkukubli sa tunay niyang pagkatao. She only wants to finish he...