Chapter 16

567 27 0
                                    

CMA Anniversary

Collyne Keigh POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nag break down siya sa akin. Pagkatapos nun back to normal na naman siya, cold and snob. Gusto ko siya kapag ganun siya pero mas gusto ko siya kapag nakikita ko siyang masaya.

Sa tuwing nakikita ko siyang masaya, masaya na rin ako, kapag malungkot , malungkot din ako.

May event ngayon dito sa school. Anniversary ng school ika 61st Anniversary , matagal na din palang nakatayo tong school na toh?

Close na kami ng mga Campus Royalties pero hanggang ngayon ang sungit parin sa akin ni Jes. Parang may PMS siya palagi eh. Hahaha just kidding.

Andito kami nina Chez at Cass ngayon sa School Ground. May mga nakatayo kasi na mga Booths.

" Sa Friendship Booth tayo!" Yaya ni Chez sa aming dalawa ni Cass.

" Sige!"

" Let's go!"

Sabay naming sabi ni Cass.

Ang mga Engineering students ang may pakana ng Friendship Booth.

Ang gagawin doon ay mag bobonding bonding kaming magkakaibigan. Ilang oras din kami sa loob.

Tawa kami ng tawa ng makalabas kami doon. May surprise ang Friendship Booth. May sumayaw sa loob at talagang nakakatawa. Mga lalake sila pero naka maskara ng itim.

Ang ginawa nila ay lahat ng step na sasabihin namin ay sasayawin nila. Hahaha para silang mga uto uto.

" Hahaha "

" Hahaha pfft.. haha"

Hindi sila maka move on tawang tawa parin sila

" I love that Booth" sabi ni chez

Naki sabay ako sa pagtawa nila wala akong masabi eh.

Kilala ko kung sino yung mga taong sumayaw kaya hindi ako maka move on sa pagtawa. Kung malalaman ng dalawang kasama ko kung sino ang mga taong yun. Im sure may mas lalala pa sa tawa nila.

" Ang galing nilang kumembot!" Sabi ni Cass.

Mamaya tumawa ulit sila na parang walang bukas

" Sino kaya sila?" Curious na tanong ni Chez.

" Oo ng noh? Sino kaya sila?" Sabi din ni Cass.

" Happy kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa

Napatingin naman silang dalawa sa akin.

" Oh akala namin patay ka na. Ngayon ka lang nagsalita eh!" Sabi ni Cass sa akin.

I pout.

" Ano ba di pwedeng mamatay ang bida." Nakangising sabi ko.

" Bida your face!" Sabay nilang singhal sa akin.

Woah ang sama nila. Ako naman talaga ang bida sa kwentong toh ah.

" Ang sasama ninyo! Tara na nga kain tayo libre ni Chez!" Nakangiting sabi ko.

" Anong libre ko? Ikaw ang nagyaya tapos ako manlilibre?" Tutol na sabi sa akin ni Chez.

" Afford mo yan. Ang yaman mo eh"

" Wag na kayong mag away diyan ako na ang manlilibre." Sabi ni Cass.

Napangiti kami ni Chez na lumingon sa kanya.

Nagtungo kami sa isang food booth at dahil si Cass ang manlilibre. Lulubos lubusin ko na.

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon