Chapter 41

483 22 1
                                    

The truth

Third Person POV

" Yes mom. Pauwi na ako bye. Love you!' sabi ng isang babaeng nasa labindalwang taong gulang.

Nasa harap siya ng gate ng school nila. Hindi na siya nagpasundo sa driver nila kasi natagalan sila sa school may ginawa pa kasi sila ng mga ka group mate niya.

Umupo muna siya sa isang upuan. May isang babae na naka upo din doon. Hindi niya makita ang mukha nito dahil naka sumbrero ito ng puti saka naka hoody jacket siya.

Namangha siya sa kulay ng buhok ng babaeng iyon. Mahaba, unat na unat at kulay asul.

Tumayo siya at lalapitan sana ang babaeng yun kaso may isang lalakeng tumakip sa mukha niya. Isang panyo. Sinubukan niyang humingi ng tulong sa babaeng nakaupo pero hindi siya nito marinig dahil naka headset iyon at mukhang tulog.

Naghina siya sa amoy na naaamoy niya. Napaiyak nalang siya.

' what's happening? Bakit nila ako kinuha?' she asked to herself.

Ipinasok siya sa isang itim na Van, may nakita siyang isang babaeng kasing edad at katangkad niya. Pareho din sila ng size pero magkaiba ang mukha nila.

" Sino kayo!?" Nagawa niyang isigaw sa kanila kahit sobra na siyang nahihilo.

Hindi siya sinagot ng mga lalakeng kumuha sa kanila, nakatakip ang mga mukha nila.

" Help!!! Help!! Tulungan niyo kami!!" Sigaw niya kaya napatingin sa kanya ang mga lalake. Nilagyan nila ng tape ang bunganga niya at itinali ang magkabilang kamay niya at paa.

Nanlaban siya kaya hinampas siya ng baril sa ulo na siyang sanhi ng pagkawala niya ng malay.

Sa kabilang banda nakasunod sa kanila ang isang kulay asul na kotse. Nakasakay dito ang babaeng may kulay asul na buhok. Hindi siya bingi para hindi marinig ang sigaw nung babaeng kinuha nila.

Hindi niya alam kung bakit niya sinusundan ang van na kung saan naroon ang babae. Kahit naman may nanganganib sa harap niya hindi niya agad agad iyon tinutulungan.

But this case is different. Alam niya kung sino ang kumuha sa babaeng iyon.

" Those idiots. Hindi man lang nila nahalata na nakasunod ako sa kanila." Malamig niyang bulong ng nakarating sila sa isang abandonadong building.

Maraming nakakalat na mga armadong tao. Inilabas ng mga lalakeng nakatakip ang mukha ang dalawang babae na kapwa Walang malay.

Nakatago lang si Blue habang pinagmamasdan sila. Pumasok ang mga kalalakihan sa loob habang bitbit ang dalawang babae.

Maingat na pumasok so blue sa lugar. Nagtago siya sa isang pader ng makita niyang may dalawang tao ang paparating.

" Swerte ni boss ngayon, sigurado akong maraming pera ang makukuha niya. Anak ng isang Lopez at Dela Vega ang nakuha." She heard one of the man said.

Lopez at Dela Vega? Mga tanyag na apilyedo sa business world.

Nakalampas na sa lugar niya ang dalawang lalakeng yun. Nagtungo na siya sa kinalalagyan ng dalawang babae. Nakagapos silang dalawa sa isang upuan at wala paring malay.

Wala silang mga bantay ang tanga nung mga kumidnap sa kanila. Lumapit siya sa dalawa at kinalagan sila. Sakto namang nagising ang dalawa. May isang lalake pumasok sa lugar. Agad iyong binaril ni Blue.

Of course may baril siyang dala hindi siya sasabak sa isang labanan ng walang dalang armas. Naka silencer ang baril niya.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang babae.

" Who are you?" Tanong ni Ms. Dela Vega.

" Get up. Let's go." Malamig niyang utos sa dalawa.

Agad naman silang sumunod. Tumatakbo silang umalis, lahat ng humaharang sa dinadaanan nila binabaril ni Blue.

Nang mga oras na iyon may mga dumating ng tao. Sina Calyx and his friends. Nalaman nilang nawawala ang kapatid niya. They track her phone kaya nalaman nila ang lokasyon.

Napatigil si Calyx sa pagtakbo ng may narinig siyang putok ng baril. Napamura nalang siya. Sinabi niyang maghihiwalay hiwalay silang apat para mas madaling mahanap nila ang kapatid nito.

" Stay here and Don't leave." Ma awtoridad na utos ni Blue sa kanila. They both nodded.

Umiiyak na ang isa sa kanila.

" Mama. Papa. Help me.. please huhuhu." Umiiyak nitong sabi.

" Shhh. Don't cry. Ang babaeng iyon. Tutulungan niya tayo." Positibong sabi nito. Napatigil naman sa pag iyak ang babaeng kasama niya.

" Im Devine Claire Dela Vega. Claire nalang." Pakilala ni Claire.

" Sammy. Sammy Lopez." Naiiyak nitong sabi. Pinatahan siya ni Claire.

" Don't cry."

Hinubad ni Claire ang suot suot niyang necklace.

" Here. Isuot mo ito. My mom said to me na kapag may problema at umiiyak ako. Titignan ko lang ito then everything will be gonna alright." Nakangiting sabi ni Claire kay Sammy.

Isinuot ni Sammy ang necklace.

" Ayan bagay sayo. Wag ka ng umiyak ah."

Tumango naman si Sammy. Napatakip silang dalawa sa magkabila nilang tenga ng marinig silang putok ng baril malapit sa kinalalagyan nila.

Napasigaw pa si Sammy dahil tinutukan sila ng baril pero bago pa iyon maiputok ng lalake tinamaan na siya ng bala ng baril mula sa likuran niya. Mayroon doon si Blue.

Dali daling pumasok doon si blue at dali daling nagtungo sa bintana. Mataas ang kinalalagyan nila dahil nasa ikatlong palapag sila.

Humarap si Blue kina Claire. Napasigaw si Claire ng makarinig siya ng isang putok ng baril. Nakita niyang tinamaan si Sammy. Agad na binaril ni Blue ang taong bumaril kay Sammy.

Agad na hinatak ni Blue si Claire na nakatulala at tumakbo sila para tumalon sa bintana. Narinig pa ni Blue ang pagtawag ni Claire kay Sammy.

Saktong pagkatalon nila may isang pagsabog ang nangyari. Hindi na nakuha ni Blue si Sammy dahil kapag hindi sila umalis agad. Mamamatay silang tatlo.

Sa kabilang banda bago ang pagsabog. Kitang kita ni Calyx kung paano ipinutok ni Blue ang kanyang baril. Ang buong akala niya si Claire ang binaril niya. Lalapit sana siya kaso nangyari na ang pagsabog. Dahil sa impact tumalsik siya papalayo at nawalan ng malay.

Pagkatalon nina Claire at Blue sa bintana naghagis ng isang manipis pero matibay na lubid si blue para hindi maging masama ang pagbagsak nila.

Sa isang tambak ng basura sila bumagsak. Tumama ang braso ni Blue sa isang bakal na basurahan na siyang naging sanhi ng pagka dislocate ng siko niya. Habang si Claire naman ay tumama ang ulo niya sa isang matigas na bagay na siyang nakapagpawala ng malay niya.

Paika ikang tumayo si Blue. Himinga siya ng malalim saka ibinalik ang nadislocate niyang siko. Napapikit siya ng marahan ng maibalik niya

Binuhat niya si Claire na wala ng malay at sa likuran na sila ng building tumakas.

Sa isang hospital sila nagtungo. Inihatid lang ni Blue si Claire doon para magamot habang siya ay nagtungo sa isang lugar na siya lang nakaka alam.

Nacoma si Claire ng isang taon pagkagising niya wala na siyang maalala kaya si blue na ang naging pamilya niya. Doon na siya naging si Andrea Montreal na siyang kanang kamay ni Blue Empress.

Naging matalik silang magkaibigan. Itinuring nila ang isa't isa bilang magkapatid.

******

Hi guys.

Ang tanga ni Kyle noh. Pssh. So ayun nga po ang nangyari. Hehehe

Just keep on reading this book guys.

Have a nice day and always be happy kahit na gusto mo ng umiyak. Charot.

Please support this story of mine and Don't forget to VOTE and COMMENT guys

Her Deepest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon