I covered my eyes as soon as the sun struck my face. I yawned three time times and tried to sleep again when my phone and alarm clock rang in unison.
I turned off the alarm clock before answering the call from my phone.
"Hello?" Inaantok kong tanong.
I heard her heavy sigh on the other line.
"Malapit ng mag 8 am. Malalate na naman tayo nito."
I can't see her expression but I am sure she's now pinching the bridge of her nose in frustration. Napatawa ako sa sarili kong imahinasyon.
"Okay. I'll take a bath na," I said before ending the call.
Napipilitan akong tumayo. Nagtungo ako sa CR at mabilis na pagligo lang ang ginawa ko. Hindi na rin ako nagbreakfast dahil wala na akong oras. Mal-late na talaga kami nito.
Pagkalabas ko palang ng gate ng apartment na tinitirhan ko ay bumungad sa 'kin ang nakataas na kilay ng kaibigan kong si Faye.
"Uhm...let's go?" nahihiyang tanong ko.
Napailing nalang siya saka naunang sumakay sa kotse niya. Nahihiya naman akong sumunod sa kaniya.
Faye is my childhood friend. Bata palang, lagi kaming magkasangga. Laban niya, laban ko rin. She's a very good friend. Magkaklase kami simula elementary ngunit nagkalayo kami nang tumungtong sa high school. They moved to Mindanao while I stayed in Quezon City.
She offered me the Senior High School Entrance Exam in Lourdes College and I'm glad that I passed. Laking tuwa ko sa oras na 'yon dahil hindi kami gano'n kayaman at bihira lang ang paaralan na may mga libreng tuition. Kahit malayo sa pamilya ay tinanggap ko pa rin ang alok niya. Hindi naman ako nabigo dahil tinutulungan niya ako. She's giving me a ride to school. Medjo mahal rin ang pagcommute dito at masyadong traffic pag alas otso na.
Napakurap ako ng ilang beses nang maramdamang tumigil ang sasakyan namin.
"Tara na. 5 minutes nalang at mala-late na tayo," wika niya habang nagmamadaling lumabas mula sa sasakyan. I grabbed my things and followed her.
"Ang bait ng mga tao dito, Faye," mahinang bulong ko.
Lahat ng dinadaanan naming mga estudyante ay panay ang ngiti sa akin. Bago palang ako ngunit ramdam ko na ang kabaitan at pagiging kumportable sa kanila.
Bigla siyang umakbay ng may matamis na ngiti sa akin, "Maganda ka kasi, Giziel. Mga lalaki lang naman yung ngumingiti sayo e."
Napakunot ang noo ko. Oo nga pala, puros lalaki ang mga ngumingiti sa 'kin. Fear conquered me because of the expressions I got from the boys. Nangamba ako. Baka pag-initan ako ng mga babae rito.
Mukhang napansin ni Faye ang nakaukit sa mukha ko. She tapped my shoulder, "I got your back, Giziel. Wag mag-alala. Mababait silang lahat dito."
Pinilit kong maniwala sa sinabi niya ngunit kahit anong gawin ko ay naroon pa rin ang pangamba. Pangamba na baka maiba ang pakikitungo nila sa akin. Kabago bago ko palang dito ay ayaw ko ng masangkot sa gulo.
Kung sa ibang paaralan, kailangan mo pang pumunta sa principal's or dean's office para kunin at alamin ang section mo, dito hindi na. Nakalista na ang mga magiging kaklase mo sa isang seksyon at nakadikit ito sa bulletin board.
Gumuhit ang hindi maipintang expresyon sa aking mukha nang makita ang listahan.
"We're not classmates, Faye. Natatakot ako," pakiramdam ko ay bubuhos na ang luha ko anumang oras. I'm new in this place. Hindi ko masyadong kabisado at kakilala ang mga tao dito. I only know Faye.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.