Gumising ako ng maaga ngayon. Ayaw kong paghintayin sa labas si Faye, nakakahiya na. After eating breakfast, my phone starts ringing. Baka si Faye yung tumatawag.
"Tapos na ako. Nasa labas ka na?" Pambungad kong tanong. I checked my own reflection before taking a look outside.
"Malapit na ako. Hintayin mo 'ko diyan."
Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita, "Okay. Lalabas na ako."
I checked the windows first before I took a step outside. Hindi pa ako sanay sa lugar na 'to. I'm not sure what kind of people are living in this place. Mas mabuti na yung sigurado.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa labas siya ng apartment. Napalunok ako ng ilang beses.
"Why are you here?" I asked as I swallowed my saliva.
Ngumiti siya sa 'kin bago binuksan ang nasa passenger seat. He bowed down to me.
"Ginagawa mo?" Takang tanong ko.
"I am on my way to school, since dumaan na rin naman ako dito, I thought of giving you a ride."
Hindi ako sanay! It's the first time a man fetched me and for heaven's sake!
"Mala-late na tayo. Sakay na," muli akong bumalik sa katinuan nang marinig siya.
Hindi na ako nagdalawang isip at pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko siya kayang tanggihan.
He's a very good man to be rejected.
Wala akong imik habang bumbyahe papuntang Lourdes College. Jared stayed silent too but he played some music for us to not be bored.
He parked the car near the gate of our academy. Nauna siyang bumaba sa 'kin at saka pinagbuksan ako. We got the attention of some students. We can even hear their gossips.
"Who is she?"
"Why is she close to Jared?"
Nahihiya akong bumaba at napatingin kay Jared.
"Bakit mo ginawa 'yon? Pinagtitinginan na tayo oh," ani ko habang nanatiling nakatingin sa kaniya.
If only I knew he's famous, eh di sana hindi na ako sumabay!
"Anong masama? Normal naman na pagtinginan nila ako dahil sa gwapong pagmumukha ko," puno ng pagyayabang ang boses niya.
The audacity!
Kung kaya niyang magyabang sa oras na 'to, ako hindi. Nag-aalala ako. Baka may mga fangirl dito ni Jared at i-bully ako dahil dito!
"Pero sana sinabi mo muna na sikat ka, baka may umaway pa sa 'kin dito," tugon ko pero bigla nalang siyang ngumiti sa 'kin.
Napasinghap ang mga estudyante sa sunod niyang ginawa. Even I was surprised because that was unexpected.
He just held my hand all of the sudden!
"H-Hoy. Bitawan mo 'ko."
"Why would I let you go if I can freely hold your hand like this?" he said with a smile on his lips.
My heart skipped a beat. What is he doing? Anong pinaplano niya?
Bigla niya akong hinila. Pilit ko siyang pinapabitaw ngunit masyado akong mahina para gawin 'yon. He's strong. He held my hand so tight but not tight enough to hurt me. Nahihiya akong nagpatianod sa kaniya habang naglalakad kami.
Some of them are saying,
"Ay ang bagay nila!"
"Ang ganda niya. Perfect!"
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
Roman d'amourThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.